Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
This blog was taken from Ms. Lacsamana's account.
Warning, this is purely written in Filipino (coz she's our Filipino teacher as well)
This is not to get all the hate from readers only, but to open the eyes of everyone because this is inevitable. This is real and actual and the worse part...it had to be one of my most treasured bestfriends, Tara Santelices...


"Kararating ko lang galing Medical City. Dinalaw namin at ipinagdasal si Tara. Kasama ko sina Sir Louie Lorenzo, Sir Lito Jimenez, Ms. Taks Clarete, Ms Ettie Miranda at Ms. Rorie Francisco.

Halos mapuno ang pasilyo ng ospital dahil sa mga nakapilang mga tao na nais makita si Tara. Nagtataka ang ilang nars dahil ang daming bisita ni Tara. Di nakatiis ang isang nars at nagtanong kung kaanu-ano namin si Tara. Sabi namin " dati naming estudyante." Ang sagot ng aming kausap ay " ang dami niyang bisita hanggang kahapon." Isang matipid na ngiti at sabay sabing " oo,  dahil marami ang nagmamahal kay Tara."

Niyakap kami ni Lila, ang kapatid ni Tara na naging estudyante rin namin. Pinauna kami na makapasok sa ICU upang tingnan si Tara. Dala-dalawa lang ang maaaring makapasok sa ICU at sa labas lamang ng kuwarto na may salamin mo makikita si Tara. Sa ganoong sitwasyon sari-saring emosyon ang iyong mararamdaman. Mahirap at masakit sa loob na makita ang dati mong estudyante sa ganoong kalagayan. Halos maga na ang kanyang ulo na may benda. Malakas ang kanyang paghinga sa tulong ng respirator. Halos nakalabas ang itim na bahagi ng mata dahil na rin sa bala ng baril na nasa kanyang utak. Kausap namin ang kanyang ina at isinalaysay ang tunay na nangyari. 10% lang ang tsansa kung maooperahan siya. Ang bala ng baril ay "double action." Ibig sabihin nito ay maliliit na bahagi ng bala ay nakakalat sa kanyang utak. Mahirap at maselan ang operasyon dahil iisa-isahing tanggalin ang maliit na bahagi ng bala.   

Nagpakilala ako sa kanyang ina at sinabi ko na ako ang teacher-in-charge  (IV-3 batch 2003) ni Tara. Tinanong ko siya kung ano ba talaga ang nangyari. Iba kasi ang mga naglalabasang balita.

Siya namang dating ni Joee, bestfriend ni Tara. Isinalaysay ni Joee ang tunay na  nangyari. Birthday ni Tara ng Agosto 6. Nag-text sa kanya si Tara na magkita sa "Burger King" sa Marcos Highway. Galing pa si Joee sa CSB, Taft Ave. Napagkasunduan nilang hintayin ang 12:00 ng madaling araw upang ipagdiwang ang 23 kaarawan ni Tara. Matapos ang 12:00 ng madaling araw ay sumakay sila ng dyip pauwi ng Cainta, Rizal. Sila lang ang sakay ng dyip. Pahinto-hinto ang dyip upang magsakay ng pasahero. Hanggang may isang lalaki na sumakay sa dyip na umupo sa tabi ni Tara sa bandang hulihan. Pababa ang lalaki ng agawin ang bag ni Tara. Naghatakan sila sa bag. Nakarinig na lang ng putok si Joee na nakaupo sa tabi ni Tara. Nang tingnan niya si Tara, ito pala ang nabaril at sa ulo mismo. Sinabi ni Joee sa driver na dalhin sila sa malapit na ospital. Bago pa sila makarating sa malapit na klinika ay binaba pa isa-isa ang mga pasahero. Halos isang oras bago sila nakarating. Pagkahatid sa klinika ay iniwan na sila ng drayber. Tinanggihan ng klinika na tanggapin si Tara dahil hindi nila kayang gamutin. Naghintay pa si Joee ng mahabang sandali upang tulungan sila ng mga nars na tumawag ng taxi at dalhin sa Eulogio "Amang " Rodriguez Hospital si Tara. Isipin na lang na 5' 2 ang taas ni Joee at siya pa ang nagbuhat kay Tara. Di na makausap ni Joee si Tara nang nasa EAR hospital. Tinawagan niya ang mga magulang ni Tara at kanyang mga magulang upang ipaalam ang mga pangyayari.
 
Nakalulungkot isipin na buhay na ang nakabingit ay parang walang pakialam ang mga pasahero ng dyip na nagpababa pa sa kani-kanilang destinasyon. Ikalawa, kung di  pa sumigaw si Joee upang magpatulong sa mga nars sa klinika na kanilang napuntahan na tumawag ng taksi upang dalhin sa pinakamalapit na ospital ay di pa kikilos. Siya pa ang nagbuhat kay Tara upang isakay sa taksi.

Medyo masakit at sariwa pa kay Joee ang mga pangyayari kaya di na kami nagtanong pa. Pumunta kami sa waiting area at nakita namin ang ama ni Tara. Tinawag  namin  ang mga kaibigan, kaklase at mga mahal sa buhay ni Tara upang manalangin. Sa pangunguna ni Ms. Taks Clarete ay ipinagdasal namin si Tara.

Pagkatapos ng limang (5) taon ay nagkita-kita kami ng aking mga dating mag-aaral at TIC class. Nakalulungkot ang sabi ng isang mag-aaral  " Ms, dito pa tayo nag-reunion." Sabi ko sa ilang mga dati kong estudyante na noong Agosto 1, bigla na lang sumulpot si Tara sa facebook at humihiling na i-add ko siya. Nang mabalitaan ko ang nangyari sa kanya ay tiningnan ko ang kanyang facebook profile. Sinulatan ko siya sa kanyang 'wall' dahil kaarawan niya. Di ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyang "recent activity" na nakasulat sa facebook: " Tara Bosch Santelices is chasing analog ghosts." Ikinuwento ko sa kanila na para siyang may premonisyon. Ang sagot ng ilan ay ; "Miss, sa kanyang ym ay kanyang isinulat: "bullet through my head."

Para sa iyo Tara, nandito kami .... nanalangin at nagbabantay sa iyong paggaling." 

16 CommentsChronological   Reverse   Threaded
bochanggg wrote on Aug 10, '08
oh my god. i'm praying na tara will be okay soon.
i don't know her personally, but her dad and my uncle are bandmates, n Naga City when they were h.s/college...sana maging okay na siya..get well soon tara..
reivel wrote on Aug 10, '08
prayers for Tara and to her family+friends...
redgiewedgie wrote on Aug 10, '08
i've been reading all the entries about her, everyday, i check the updates. my friends and i are praying, and yes, we are going to the benefit gigs. hang on, tara.
freakmommah wrote on Aug 10, '08, edited on Aug 10, '08
still having a hard time accepting na walang agad na tumulong kay tara & joee. i used to think that we Filipinos always help each other, especially in such situations; naguunahan pa nga. nasira ang pride ko for our people.

anong pangalan ng clinic na yan? dito ba sa marikina yan? dapat kasohan mga nurse doon, tangalan ng lisensya. papatay patay sa trabaho nila.
3k0n6 wrote on Aug 10, '08, edited on Aug 10, '08
what a sad story. i had an accident before and i also encountered a hospital that won't accept a bloody mess. i don't know tara personally, but my band played with saffron and it's quite saddening to know something happening to someone you can identify with. my prayers go to tara and her family.
kcajcauorek wrote on Aug 10, '08
"Genovese Syndrome" (nakuha sa kaso ni Kitty Genovese na pinatay sa harap ng madaming tao na wala man lang tumulong o sumaklolo kay Kitty) - nakaka-lungkot at yon din ang ngyari kay Tara, madaming iba png posibleng gumawa ng tulong pero walang tumulong... :(

*will pray for Tara as well*

mangosheshe wrote on Aug 11, '08
we will pray for you.
nixcn wrote on Aug 11, '08
thank God that joee was with her. shame on the jeepney driver, the passengers, the nurses *heavy sigh*
we're praying for her.
asianeye wrote on Aug 11, '08
we are praying for tara here in japan. i hope they find out who the criminal is and take away the license of that clinic in marikina!
hbprod wrote on Aug 11, '08
oh my. kinilabutan ako sa mga huling paragraph. we're willing to help. Pray po tayo for tara. ~heartburnprod
dayuhan wrote on Aug 12, '08
it's quite creepy mentioning the last paragraph,we have to be careful sometimes. bad thoughts harbour bad things. before we leave or go home,lets always pray for our safety.
seym0ur07 wrote on Aug 12, '08, edited on Aug 12, '08
i was so touched and shocked s nangyari s amin kababayan im from cainta too and i have niece who is her batch mate at assumption antipolo.sana di na lang cla nag jeep,but it happened already all we have to do is to pray for tara and pray also ung bumaril s kanya sana kunin n cya ng lord(joke) we know the lord will gve him (holdaper)more sufferings and hardship s buhay dahan dahan,tara labanan mo yan,there are lots of persons who love you esp. your family.. god bless---pinky
aerialz666 wrote on Aug 14, '08
madami pang kasiyahan na nagiintay sayo dito sa mundo Tara.. everyone will be waiting for you.. :)
summersweetness wrote on Aug 25, '08
uhm. Hi. i'm not from your school, not even a friend of Tara's but can i repost this entry on my blog? thanks in advance.
chitoirigo wrote on Sep 5, '08
Hello. Forgive the intrusion but may I just inform you (if you are not yet aware), that there's an online petition in behalf of Tara and her family at http://gopetition.com/petitions/justice-for-tara-santelices
I hope you can visit the site and sign the petition in support of Tara. And if it's not too much, please help spread the word about the petition. Thanks.
saffronspeedway wrote on Sep 5, '08
good news!

Tara can open her eyes already! Actually only her right eye 'cause her left eye is sore. She also yawned too! when the doctor would press on her feet, Tara would feel tickled. That's a good sign too.



Donations are still being graciously accepted. Again, the bank account is under Anne Marie F. Santelices, Banco de Oro, SA 2140-06220. Today (September 3), it'll be her fourth week in Medical City so you could just imagine (or cannot imagine) how much the medical bill is already. Laura Mejias, also has money from gigs. Some event organizations has been raising money for Tara. A lot of other people too are organizing gigs and stuff, thanks a lot for those who cares. Just make sure not to sensationalize what happened. I hope sincerity remains intact. Peace.



"I'm keeping the faith, how about you?" - Jac

for those event organizers who want to share their contributions, you can contact Laura Mejias (+639064679632) or Jon Romero (+639053102823). you can also give your donations during the event.



Sept 5: Campusition Reunion Night @ Magnet Katipunan
(Campusition Night is where Saffron Speedway hit it off and bonded with other campus bands. 2007)

Sept 5: Electronica Manila Night @ 6UG pearl drive pasig

Sept6: Party for a Cause. An exclusive party for women. @ Ratsky Tomas Morato QC


Sept18: My Sunny Day Rain @ 6UG pearl drive pasig



check this out:
http://www.gmanews.tv/video/28150/Parents-of-Tara-Santelices-comatose-holdup-victim-ask-Arroyo-for-help



Add a Comment